Ako po ay nagmadaling pumunta rito sapagka’t napakaganda po ng panukalang batas na ito sapagka’t ako po ay matagal nang, pasensya nap o kung bigote ko iba-iba, medyo naiba ang direksyon ngayon.
Alam nyo, sa ating Constitution, dahil ako ay nasa committee ng amendments and revision of codes, meron pong isang nakakabahala doon. Noong 1973 Constitution, nakalagay doon ang Pangulo ng PH ay maaaring magdeklara ng Martial Law kung may imminent danger. Sa 1987 Constitution tinanggal na yan, nawala ang imminent danger. Ang nakalagay kung may rebellion o invasion. Sa madaling salita, huli na yan.
Sa pangalawang punto po, yung sa Constitution din po, sinasabi doon na malinaw na malinaw na ang ating mga tao, mga citizen natin, kailangan sa kahit anong oras ay handa na ipagtanggol ang ating bansa. Ang hindi ko po naintindihan, bakit pa kami dumadaan sa proseso na ipinagpipilitan namin, kaming mga pabor na magkaroon ng mandatory military service ang mga Pilipino, e parang hirap na hirap pa kami. Hindi ko maintindihan, mahal na tagapangulo, kung bakit parang ang ating Saligang Batas ay minsan ay mas mababa, nagiging mas mababa sa mga normal na batas. Samantalang malinaw na dapat ang Saligang Batas ang siyang mayor, siya dapat ang pinakikinggan, siya dapat ang ating sinusunod.
Ngayon itong mga panukalang ito napakahalaga po nito dahil ang question natin ngayon sa buong mundo, handa ba ang PH ipagtanggol ang sarili niya? Alam natin ang nangyayari ngayon sa Ukraine. Ang Ukraine po katulad ng sinabi ng CSAFP natin Gen Brawner nakaka-survive sila sa giyerang ito dahil ang civilian nila tumutulong sa military. Ang malaking question ngayon, para po sa ating lahat, kailan po ba natin talagang oobligahin ang ating mga kababayan na pumasok na dito sa military service? Kasi puro tayo reklamo. Ang China binomba tayo ng tubig, puro tayo salita, kulang tayo sa gawa.
Sana sa pamamagitan po ng pagdinig na ito mahal na tagapangulo, ating ma-realize na tayo po ay namamangka sa isang ilog na napakalakas na ng alon. Sana ang patungkol po diyan sa usapin ng martial law na mailagay ang imminent danger uli at ito pong military service ay maganap na. yun lamang po, mahal na tagapangulo. Maraming salamat.
Video: