SRP manifestation on WPS

Ako po ay nakinig sa talumpati ng ating SP. Alam nyo po ako po ay sapul na sapol sa puso ko at kaluluwa sapagka’t ako po mismo G Pangulo ako ay galing diyan. Isang linggo po ako diyan sa lugar na yan at kung gusto nyo pong mapanood nariyan yan sa YT ng aking asawa ang titulo niyan Isang Linggong Pag-Ibig. Ako ay naglayag mula Navotas papunta sa Pagasa island hanggang Ayungin Shoal at pabalik. At lahat po ng ipinakita ng ating SP ay naranasan po natin yan, ang pakikipagtalastasan ng galing doon sa mga Tsino at hindi lang tayo nabugahan ng tubig sapagka’t sa mga oras po na yan ay hindi naman sila nagkaroon ng pagkakataon para bugahan kami ng tubig sapagka’t napakagaling ng kapitan namin. Hindi kami nakaranas ng ganoong klaseng harassment.
Ang gusto ko lamang po tumbukin, mahal na pangulo, kung umaabot na po tayo sa ganitong sitwasyon na ang buong Senado ay tayo po ay gigil na gigil sa ginawa ng Tsino, gusto ko lamang pong ipaalala sa ating lahat na meron din tayong obligasyon dito sa 4 na sulok ng Senado. Meron po tayong isang probisyon sa ating Constitution na dapat ito talagang amyendahan. At yan po ay tungkol sa pagdedeklara ng Martial Law. Kasi sa 1973 Constitution, malinaw po doon na sinasabi ang imminent danger. Dito po sa 1987 Constitution, tinanggal po yan ang imminent danger at ang naiwan doon ay invasion, rebellion.
G Pangulo, kailan ba tayo aaksyon? Yan po ang tanong ko. Ito po ba ay sa palagay po ba natin ay maging aantayin pa natin ang invasion? Ang sabi po ng talumpati ng ating ginoong pangulo, sila po ay ilang nautical miles na lang sa Palawan. Hihintayin ba nating lumanding muna sila sa Palawan bago po natin baguhin ang Constitution natin at amyendahan at ilagay natin ang imminent danger? Di naman ibig sabihin ng ML pag dineklara mo tayo ay mag-flashback sa 1972. Di po ganoon. Ang ML isang bagay para ang ating mga Pilipino ay maorganisa natin nang tama.
At isa pa po G Pangulo meron akong sinabi sa hearing ni SJE patungkol naman sa mandatory military service. Hindi naman po kaila sa ating kaalaman ang China, ang Tsino, ang kanilang military service po, ang military reservist, baka daanan lang tayo niyan, lakaran lang tayo niyan, ihian lang tayo niyan malunod na tayo. Ang sinasabi ko po mga mahal kong kasama sa Senado, kung ano po ang gigil sana natin dito ay pantayan natin ng aksyon natin sa 4 na sulok ng Senado, katulad ng mandatory. Kahit mandatory ROTC na lamang po sana, sana maihanda natin ang ating mga kababayan at ganoon din po diyan sa imminent danger.
At bilang panghuli, G Pangulo, nagbuo po kayo ng komite na haharap dito sa maritime sa ating sitwasyon. Hinihingi ko po sa kapangyarihan ng ating G Pangulo, na atasan nyo po kami uli, kami po mismo ay handa kaming lumayag diyan at maranasan po namin kung ano ang sitwasyon doon. Mas maganda po na maging opisyal na kami bigyan nyo ng kalayaan muling maglayag diyan. At handa po ako na ulitin ko uli gawin ang ginawa ko noong 2021 para ako po ay personal na makapag-report sa committee kung ano ang aking naranasan. Maraming salamat G Pangulo.

Video: