Robin, Bumisita sa Pag-Asa Island, Isinulong ang Mga Proyekto para sa Residente

“Atin po ito.” Ito ang iginiit ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla matapos bumisita sa Pag-Asa Island sa West Philippine Sea nitong Biyernes.

Sa kanyang pagbisita, isinulong ni Padilla ang pagpapatupad ng mga proyekto para sa mga Pilipinong nakatira roon, para hindi na sila kailangang umalis pa.

“Mga mahal kong kababayan, naniniwala po ako na napakalaki ng magiging papel ng storya ng Pag-Asa island sa kasaysayan ng Pilipinas. Atin po ito. Huwag po nating hayaang maangkin ito ng kung sino-sino lang,” aniya sa kanyang Facebook account nitong Sabado.

“Mabuhay ang Pag-Asa! Mabuhay ang Pilipinas!” dagdag nito.

Kasama ni Padilla sa pagbisita sa Pag-Asa Island ang kanyang asawa na si Mariel.

Sa kanyang talumpati, diniin ni Padilla ang kahalagahan ng pag-develop ng Pag-Asa Island, kabilang ang binabalak na gawing fishing hub ang lugar.

“Kailangan ma-develop natin ang Pagasa Island para pag na-develop natin ito, ang mga civilian nandito talaga. Huwag na kayong umalis. Imbes na pakaunti kayo kailangan dumami kayo. At sana ang mga proyekto ng ating kaibigan si Dick Penson gawing fishing hub ito, ang lugar na ito magiging pugad ng mangingisda,” aniya.

Binati ni Padilla ang mga residente at sundalong nakabantay sa Pag-Asa Island bago bumalik ng Maynila.

Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla visited Pag-Asa Island in the West Philippine Sea last Friday. With him was his wife Mariel.