Alam nyo po Ginoong Pangulo, ang akin pong mahal na ama, si Roy Padilla Sr., at si dating Kalihim Blas Ople, sila po ay laging magkasama sa International Labor Organization summit sa Geneva. Matagal po silang magkasama. At ako po ay masyadong natuwa noong na-appoint si Kalihim Toots Ople sapagka’t sa kanya pong dugo nananalaytay sa ugat niya ang pagsisilbi at pagmamahal sa mga manggagawa at tunay na makatao.
Ginoong Pangulo, ako po ay labis na tinamaan sa inyo pong talumpati patungkol po sa paglalaan ng magandang gawa at yung buhay ng isang tao kapagka ginugol mo ito sa pagsisilbi sa kapwa ay tunay na pong yan ay sabi nga po sa Katipunan, ang buhay na ibinigay mo sa serbisyo ay tunay na mahalaga at tunay na makabuluhan. At yan po ang pinakita sa atin ni Kalihim Ople. Sapagka’t marami na pong nakakaalam sa atin na meron siyang karamdaman pero tinuloy po niya, ipinakita niya ang halimbawa sa kanyang kagawaran na ang pagsisilbi sa ating mga OFW ay di sukatan kung ikaw ay may taning na. Hindi. Ito ay pagbibigay ng serbisyo buhay mo.
Hindi po totoo na ang pagiging mandirigma ay armas na espada o baril lang ang dala kundi katunayan noong sinabi (na) ‘the pen is mightier than the sword.’ Napakalinaw po dito. Ginamit ni Kalihim Ople ang kanyang talino para magserbisyo sa kapwa. At yan po ay malaking aral sa ating mga taga-DMW na ipinakita niya sa inyo at sa gobyerno na ang lagi nga pong sinasabi ito ay very, very famous po itong kasabihang ito, ‘I will pass this way but once; so whatever goodness or kindness or service that I can give to my fellowmen, let me do it now because we will never pass this way again.’
At yan po ang pinakita sa atin ni Kalihim Ople. Kaya ako po kasama po ng lahat ng mga senador ay sumasaludo sa tunay na bayani ng ating bayan, Kalhim Ople. Maraming salamat po.
Video: