Ito pong sunud sunod na araw, lumalabas po ang mga mapaggawa ng tsismis patungkol po sa mga pangulo raw na nag-traydor sa Inang Bayan. Una po diyan, gumawa po ang ating kasama Sen Jinggoy Estrada ng pagtatanggol sa kanyang ama. Sumunod din po, pinagtanggol din ni FPGMA ang kanyang sarili patungkol po dito. Ngayon naman po ay binabakbakan ang FPRRD.
Nais ko lamang pong ipaalam na kahit kailan, hindi po nagkaroon ng paguusap ang bansang Tsino at PRRD patungkol po sa pag-aalis ng Sierra Madre diyan sa Ayungin Shoal. Ito po ay pinatunayan din ng dating ES Medialdea patungkol po rito.
Ginoong Pangulo, gusto ko lang po ipaalam sa lahat na ang ating dating pangulo ay master sa geopolitics. At hindi po niya kailanman ibebenta ang Pilipinas. Katunayan sa panahon po niya nagkaroon tayo ng napakaraming assets po natin sa AFP maging himpapawid, karagatan, katihan, sa panahon po niya nagkaroon ng maraming assets ang Coast Guard. Gusto ko lang pong ipaalam sa lahat na ang dating pangulo, siya po ay nagtanggol ng ating soberenya. Hindi po kailanman siya magiging traydor. Maraming salamat po.
Video: