Gusto ko lamang pong ipadama sa ating lupon na ang isang katulad po ni G. Mike Enriquez ay maihahalintulad sa mga Ilustrado, sa atin pong katulad nina Jose Rizal, Marcelo del Pilar, sa panahon po nila ang La Solidaridad. Ito po ang mga mamamahayag na mga walang takot na nakipaglaban para isulong po ang kapakanan ng taumbayan.
At kung titingnan po natin ang araw ng kanyang pagyao, Agosto 29, ito po ay napakahalaga rin sa ating kasaysayan dahil ito po ang labanan sa San Juan, na talagang nahahalili po siya sa mga bayani. At nakakatuwa rin pong isipin, ang sumunod na araw, Aug. 30, ay National Press Freedom Day.
Kaya po itong pagkakataon na ito na makapagbigay pugay sa yumao nating matapang na nakipaglaban para sa kapakanan ng taumbayan ay isa pong karangalan. Kaya ako po ay nakikiramay muli sa kanyang maybahay, kay Maam Baby at sa kanya pong pamilya at sa buong Kapuso Channel. Maraming salamat Ginoong Pangulo.
Video: