Nararapat ang mas mabigat na parusa laban sa mga online scammer na bumibiktima sa mga “Bagong Bayani” natin.
Iginiit ito nitong Martes ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla sa pagdinig ng Senate Committee on Migrant Workers at Finance, nang tinalakay ang mga online scam.
“Meron talaga tayong problema sa mga nanloloko sa mga OFW lalo sa social media. Sa (Facebook) page lang natin, may makita kayong sumusulpot talaga,” ani Padilla.
Sumang-ayon siya kay Sen. Raffy Tulfo na namumuno sa pagdinig, na dapat magkaroon ng matinding parusa sa mga gumagawa nito.
“Tama ang sinabi ninyo Senator, na magkaroon dapat tayo ng matinding parusa dito sa mga gumagawa nito, dahil tinatawag nating mga Bagong Bayani ito. Dapat ang mga nanloko sa kanila may mas mabigat na parusa,” aniya.
Video: