Gusto ko lamang pong iparating ang aking malalim na pagbati sa ika-45 taong anibersaryo ng JIL Worldwide. Sa aming katuruan sa Islam, ang pinakamalapit sa mga Muslim ay ang mga Kristyano. At yan ay napatunayan sa kasaysayan mahal na G Pangulo sapagka’t noong panahon na ang mga Muslim po ay under persecution ng mga pagano sa Arab, ang mga Kristyano po ang tumulong sa kanila at ang nagtago sa kanila. At sila po ang nagbigay ng bansa sa mga Muslim. At hindi po yan nakakalimutan ng inyong mga kapatid na Muslim.
At ang message po ng JIL ay pag-ibig. At ito po ay napakahalaga sa panahon natin ngayon sapagka’t ang Pilipinas po ay kilala sa pagiging religious. At ito pong nangyayari sa paligid natin ngayon na napupuno na tayo ng iba’t ibang klaseng fake news, immorality lahat na po, nagiging biktima tayo ng mga pangit na nangyayari sa social media, kailangang kailangan po natin ang mga ganitong organization mga ganitong simbahan na magpapalaganap ng katuruan ng Gospel at siyempre po ang morality at higit sa lahat ang pagmamahalan.
Napakahalaga po nito at gusto ko lamang ding malaman ninyo, katulad din po ninyo ang Muslim hinihintay ang pagbabalik ni Jesus Christ. Yun lamang po muli congratulations po at binabati ko ang JIL Worldwide.
Video: