Gusto ko lang pong magpasalamat kay Sen APC at Sen Joel Villanueva sapagka’t nabigyan po kaagad ng kumbaga ay jet fuel itong aking Committee Report sapagka’t sa inyong mga iminungkahi ang lahat na pagod na ginawa ng chairwoman ng MTRCB magmula po nang siya ay maupo siya palagi ang unang bisita sa opisina at hindi po siyang nagsasawang i-follow up itong panukalang ito na inilatag ng 5 masugid na senador – Sen Win Gatchalian, Sen Tolentino, inyong lingkod, Sen Lapid, at Sen Estrada. At itong mga senador na ito ay tunay po na naglalakad at talaga pong nakikipaglaban upang itong panukalang ito, strengthening and expanding the mandate, capabilities and organizational structure of the MTRCB, Classification, malinaw po yan, di po censorship, amending for the purpose PD 1986. Muli po ako ay bumabati sa ating napakasipag na chairwoman at binigay na tulong ni APC at SJV. Maraming salamat po.
Video: