SRP questions at hearing to Dr Lester Tan, DBM

SRP to Dr Lester Tan: Nabasa ninyo lahat na panukala ng ilang senador? Marami po kami. Opo. Bale malinaw naman sa atin ang sakripisyong ginagawa ng ating BHW. Kasi kanina sabi ni Sen JV, sila ang mga foot soldiers natin. Bagama’t marami tayong narinig na magagandang binibigay na benepisyo sa Bulacan, Cebu, at kay Vico Sotto sa Pasig, napakagandang balita noon para sa ating BHW. Pero sa inyong palagay, kailangan talaga magkaroon sila ng totoong sweldo?

Dr Tan: Actually di tumututol sa pagbigay ng sweldo o pag-regular sa BHW. Yun lamang po ang maging problema ang kakulagnan ng pondo. Sana province at siyudad kayang ibigay ang ginawa ng cities like Taguig, Bulacan, Cebu. Ang katotohanan di lahat na LGU kayang ibigay ang benepisyong ito. Kung ako tatanungin mas maganda kung lahat na BHW makatanggap ng benepisyo at sweldo, depende yan sa kaukulan ng ating LGU

SRP: Naniniwala kayo na kailangan? Maraming salamat po. Dito sa listahan ni Sen JV ang susunod daw ay DILG, pero sana bago yan, galing tayo sa sweldo. Pwede tumalon ako sa DBM? Ok lang Maam? Maam, wala namang kokontra siguro, pinaguusapan natin saan kukunin ang budget. Kasi naniniwala naman tayo ang pinakamahalaga sa bansang ito ang kalusugan ng ating kababayan, nag-aalaga doon mga BHW. At maraming issue sa bansang ito, napakaraming issue, kulang tayo sa depensa, pero sa usapin ng health… Saan natin pwede kunin ang pera, may pagkukunan ng pera para maibsan ang kahirapan ng ating BHW, magkaroon naman sila ng sapat ang kayang buhayin ang kanilang sarili?

DBM: Based on the copy of the bills we have, proposal of enate is to lodge kaunting requirements under funds of LGUs, which we agree with, especially that it is aligned with fiscal policy. Kung lodged under LGU, it rightly follows ang funding requirements shall be charged vs local funds. We heard concerns ng ating BHWs and different agencies. What we have as of now is the National Health Work Force Support System. However, it is presently provided to doctors, nurses, midwives, dentists, pharmacists, public health associates employed to work in 5th and 6th class municipalities. That is something we may explore.

SRP: Hindi lahat na probinsya at city kasing-ano nila oo. Marami rin kasi kung sino ang nandoon sa malalayong lugar, ang talagang di napapansin na lugar, yan ang nangangailangan talaga ng, lalo na ng BHW. So parang amin kasi nang ginawa namin ang panukala, isip din namin saan manggagaling ang pondo. Isip namin talagang may LG na may pera. Mas marami ang walang, umaasa din sa alam mo na. Kaya maaaring parang may magagawa ba tayo? Kasi binanggit mo kailangan natin yan lalo ang midwife, sa malalayong lugar. Kailangan talaga yan. Pero ang kategorya ng BHW, sila talaga ang, may nauuuna talaga, first responder, sila yan, katunayan noong panahon ng hindi ko makalimutan ito noong kampanya sa Bulacan, sabi ng BHW tulungan mo kami. Para sa kanila, sila ang may groundwork. Sila talaga yan, foot soldiers. Ibabalik ko sa ating chairman.

Video: