SRP manifestation on Chacha (voting separately)

Gusto ko lang sundan ang napakagandang talumpati ni Sen Bato dela Rosa, ganoon din po ang iminungkahi at ibinato ng ating pinunong mayorya patungkol sa People’s Initiative. Bilang ako po ay chairman ng committee ng amendment and revision, nais ko ipaalam sa inyo na ako mismo ay may sarili ring PI. Yan po ay aking sinusulong at nais ko pong ipaalam sa lahat na wala akong, sa Constitution natin, Article 17, napakaliwanag na may 3 moda. At yan ang ConAss, ConCon, at PI.

Ang nais ko lamang pong linawin, G Pangulo, wala pong masama sa PI. Wala. Yan po ay kasama sa Constitution at yan po ay pinalalakas. Katulad po ng sinabi ni Sen Bato dela Rosa, ito po ay esensya ng ating demokrasya. Nagkakaroon lamang po ng hindi naaayon sa Saligang Batas na umiiral sa atin ngayon, ang 1987 Constitution, malinaw po doon sa Art VI din ang legislative body, ang paghihiwalay ng Senado at ng HOR. Ang magkahiwalay na kapangyarihan lalong lalo na sa tinatawag nating voting power. Nagkaroon lamang po tayo ng pagkakataon na maging suliranin noong voting sapagka’t doon sa Art 17, di malinaw na naisulat. Pero doon sa Art VI Sec 21 kung di po ako nagkakamali, in time of war, malinaw po doon na ang Senado at ang HOR ay meron silang magkasamang pagpupulong at sila ay boboto separately. Napakalinaw po noon.

Hindi lang po natin maintindihan bakit nagkaroon ng PI na ipinipilit ang voting jointly, ang paguusapan natin ang Saligang Batas. Ito ay talagang kailangan po nating pagusapan nang mahaba kasama po ang HOR. Hindi po ito para po sa akin pong ibinigay nyong committee, pinagaralan ko po ito, ang ating Constitution. Ito pong voting jointly ay lumalabag na Article ng legislative body sapagka’t may paghihiwalay ng akpangyarihan. At yan pong kapangyarihang yan, voting kasama yan. At malinaw na malinaw sa ating Constitution.

Kaya mahal na G Pangulo, hayaan nyo akong makapagpasalamat sa bumubuo ng ating Senado at inyo pong ipinaglalaban ang ating kapangyarihan na magkaroon ng voting separately. Sapagka’t ito po ang sinasabi ng 1987 Constitution at ang PI po ay ang pwede lang po nating gawin lamang ay amendments. Hindi po tayo pwedeng mag-revision ng Constitution na gagamitin ang PI sapagka’t piecemeal lang ang pwede nating gawin, amendment lang, di po revision.

Kaya po sana maging malinaw ito sa ating taumbayan na ang ating winawaksi dito ngayon sa ating bulwagan ng Senado ay ang sinasabing pagtatanggal ng kapangyarihan sa Senado. Yan po ay talagang parang sinawalang bahala natin ang Saligang Batas. Kailangan pong tindigan natin ang Saligang Batas sapagka’t tayo po ay nanumpa sa harap ng Saligang Batas.

Yan lamang po Mahal na Pangulo maraming maraming salamat po. Mabuhay ang Senado.

*****

Video: