Isang karangalan talaga na isang senador na abogado isang senador na ekonomista siya ngayon ang chairman ng subcommittee na ito. Maraming salamat.
Sa mga tagapangulo po, darating naman ang ating G Pangulo, babanggitin ko na rin po siya, maraming salamat sa aming G Pangulo Sen Zubiri sapagka’t siya ang namuno sa hakbanging ito na maamyendahan ang econ provision sa SB. Ako sumasaludo sa ating G Pangulo.
Ako rin po ay nagbibigay pugay kay Sir Gary Teves ang aking econ adviser, at ako ay naliligayahan kasama natin siya ngayon bilang isang ating resource speaker. At ganoon din po ang ating kaibigan si Orion.
Noon pa man batid ninyo ang aking damdamin tungkol sa pag-amyenda ng SB. Simula ako mahaolal bailang senador at maitalagang tagapangulo ng komiteng ito, ay isinulong na ng inyong lingkod ang mungkahing susog partikular sa mga pang-ekonomiyang probisyon na sa aking paniniwala ay nagiging hadlang sa ating pag-arangkada tungo sa tunay na pag-unlad.
Subukan po nating lagyan ng konteksto.
Ang ilan sa mga economic provisions sa 1987 Constitution na hinahangad nating amyendahan ay minana pa po natin sa mga naunang Saligang Batas marami-rami nang dekada ang nakakalipas.
Ito po ang mga panahong sariwa pa sa kaisipan at damdamin ng mga bumalangkas ng Konstitusyon ang napakahabang mga taon ng pananakop ng mga dayuhan sa ating bayan.
Kaya’t pinalakas ang Filipino First. Ito ang prinsipyong isinaisip at isinapuso ng mga delegado.
Fast forward po sa kasalukuyan.
Ano po ba ang kinakaharap ng Pilipinas bilang isang bansa sa kontemporaryong panahon? Mayroon pong isang termino: globalisasyon.
By definition – globalization is the word used to describe the growing interdependence of the world’s economies, cultures, and populations, brought about by cross-border trade in goods and services, technology, and flows of investment, people, and information.
Sa isang kalungkutan, ang mga mahihigpit na probisyon po sa ating Saligang Batas ay hindi na angkop sa pandaigdigang kalakaran sa ekonomiya.
Nabanggit na rin po natin ito noon: sa kalukuyan, ang ating bansa ay pangatlo sa 83 na ekonomiya sa pinakamahigpit sa mga regulasyon base sa Foreign Direct Investment Regulatory Restrictiveness Index ng Organization for Economic Cooperation Development.
Base sa Foreign Direct Investment (FDI) Attractiveness Scorecard noong 2020, ang Pilipinas ay nasa dulo o 13th sa 14 na ekonomiya sa Asia-Pacific.
Batid naman po nating sinubukan na itong gamutin sa pamamagitan ng pagpasa ng Public Services Act, subali’t nga po tulad nga po ng ating binibigyang-diin noong nakaraan, at binanggit din ng ating Senate President Juan Miguel Zubiri, ang nakabinbing pagkwestyon po nito sa Korte Suprema ay nagbibigay pa rin ng alinlangan sa mga dayuhang mamumuhunan. Ito po ang dahilan kung kaya’t hindi pa tayo maka-arangkada sa implementasyon ng batas.
Sa paghahain po ng Resolusyon Blg. 6 ng ating mga iginagalang na mga Senador: SP Zubiri, Senadora Legarda, at Senador Angara, natutuwa po ako na mabibigyan ng pagkakataon ang diskusyon sa pagpapaluwag ng ating Konstitusyon tungkol sa mga restriksyon sa mga pampublikong kagamitan, institusyong pang-edukasyon, at industriya ng advertising.
Ako po ay nagpapasalamat sa Tagapangulo ng Senado sa kanyang malawak na pang-unawa sa prinsipyong aking tinitindigan, gayundin sa aking mga kasamahan dito sa Senado.
Muli po, ako po ay nagpupugay sa ating pangulo ngayon ng subcommittee na ito Sen Angara sapagka’t ito pong hakbang na ito na tunay na aking pinaniniwalaan na makatutulong sa pag-unlad ng ating bansa at makawala po sa tanikala ng pangungutang sapagka’t sa usapin ng lohika, pagka may investment ibig sabihin may puhunan. Pag may puhunan may iikot na pera. At pag umikot ang pera magkakaroon po ng trabaho, magkakaroon ng tamang sweldo at magkakaroon ng ibig sabihin ng pagtakbo at pag-ikot ng ekonomiya.
Muli po maraming salamat at mabuhay po.
*****
Video: