Sa aming ginagalang na Gng Tagapangulo, sa aking pagdalo sa pagdinig ngayon, ako po ay naliligayahan sapagkat narinig ko ang panig ng ating mga resource persons katulad ng mga taga-govt, naging malinaw sa akin itong pagdinig na ito ay di pa nakakarating sa legal na usapin, sa napakalinaw na pagpapaliwanag na lahat dadaan sa investigation. At ito napakagandang senyales sa ating kababayan sapagka’t malinaw lahat na karapatan ay ating ginagalang. At napakalinaw ng sagot ng ating nasa govt na wala po tayong pinapanigan sa oras na ito. Ang lahat may boses pinakikinggan natin ang nag-aakusa at ang pagdepensa naman ng ating inaakusahan. Napakaganda po ng ganitong pagdinig sapagka’t ang Senado, ito pong ating institusyon, ito ay institution na gumagawa ng batas na magbibigay ng proteksyon sa bawa’t Pilipino anuman ang katayuan. At kayo naman sa executive, kayo po ang mag-implement niyan kung anong nagagawa naming batas.
Ngayon po, gusto ko lang magbigay ng statement bilang isang, ito ay hinihiling ko na mailagay sa record ng Senado. Sapagka’t ako po ay matagal ko nang kilala si PACQ. Magkasama kami noong panahon na ang pangulo si PGMA. Kaming 2 ay magkasama sa peace, sa lahat ng hakbang ni PGMA na magkaroon ng kapayapaan sa buong PH. Ako po ay hindi pa senador noon. Ako po ay isang artista na kilala sa usapin ng pamimigay ng pera. Pero kahit isang beses di ako hiningan ng pera ni PACQ. Ika nga sa Ingles, not even once. At noon ako po ay tumakbo na bilang senador at humingi ng tulong kay Pastor, kahit singko hindi po ako hiningan ng pera ni PACQ. Gusto ko lamang pong sabihin sa ating pagdinig, kung ang ating mga matapang na mga witness ay nakakapagsalita patungkol kay PACQ, ako rin po ay malayang magsasalita na hindi po ako kailanman kahit na sino sa KOJC hiningan ng pera. Not even once.
At ako po ay magtatanong lamang sa ating mga witness. Alam nyo po, ako po ay gumawa ng isang pelikula laban sa New People’s Army. Ito po ang Memoirs of a Teenage Rebel. Marami po sa mga kasamahan ko na gumawa ng pelikulang yan, kaparehas po ninyo. Nagsalamin, nagtago, di nagpakilala. Pati ang director namin natakot. Pero alam nyo po nang tinanong nila ako kung ako ba ay magpapakilala, ang sinabi ko po, opo. Hindi po dahil sa di ako natatakot kundi inisip ko po ang mga teenage rebel na naglabas ng mukha nila, at nagsalita sila laban sa organization na pinasok nila at sila ay inaabuso. Ang ibig ko pong sabihin, wala po akong pinapanigan dito dahil ang Senado ay kakampi ng bawa’t Pilipino. Gusto ko lang sabihin, kung tayo ay mag-aakusa, at titindig, ke nanatakot tayo o hindi, kailangan harapin po natin kung sino ang inaakusahan natin. Na nakikita po ang mukha natin at kilala tayo dahil yan po ang matatandaan ng susunod na henerasyon kung paano tayo tumindig.
Video: