SRP on SB 2594 creating 3 additional Sharia districts and 12 courts therein

Una po sa lahat, ako ay nagpapasalamat kay SFNT sapagka’t ito pong pagsasabatas ng panukalang ito na may kinalaman sa Sharia ay ito po ay parte ng malaking bahagi po ng isang Muslim, isang Muslim po na umaasa na yung mga naunang batas na sinagawa na katulad po ng nabanggit ni SFNT na panahon pa ito ni PFEM Sr na nagbigay ng napakaganda na sinasabing inclusive, kasama, kabahagi, parte, ang mga Muslim sa sinasagawang batas o sa mga batas po na pina-practice na hindi lang ng mga di Muslim, pati Muslim, lahat na Pilipino. Napakasarap pakinggan ang Muslim kabahagi ng bansang ito.
Kaya di ko na palalawakin pa ang ginawang talumpati ni SFNT sapagka’t napakaganda na, wala na akong maidadagdag dito kundi ito po ay sinusulong ng ating G Pangulo na SP Zubiri na amain ng Bangsamoro sa PH, siya tinitingnan naming amain. At nabanggit ni SFNT na ito ay binabantayan din ng SC. Sapagka’t itong aking pagsasalita ngayon sa pulpito ay paghingi ng suporta sa aking mga kasama na ito maging batas sapagka’t napakaraming Muslim sa PH, wala lang po sila, hindi na ito usapin na sila ay nandoon lang sa Cotabato o Marawi. Ang mga Muslim po ay makikita nyo yan basta may palengke nandiyan ang Maranao. Buong PH, mapunta kayo ng Baguio, south, kahit saang lugar basta may palengke nandiyan ang traders at kapatid ninyong Muslim. Kaya nararapat magkaroon ng pagkakataon mabigyan ng pag-asa madagdagan ang Sharia courts. Tulad ng nabanggit ni SFNT kabahagi ito ng pinaguusapan na personal relationship ng Muslim sa kapwa Muslim. Importante po ito dahil parte po ito ng pananampalataya.
Sa Islam nga po, sinasabi ang pag-asawa ay kalahati ng pananampalataya. Kaya ito po ay paghingi ng suporta sa aking kasama na sana po ay maipasa ang panukalang ito sapagka’t kailangang kailangan po ito ng mga kapatid ninyong Muslim. Ito po ay pagpaparamdam sa kanila na sila po ay kapwa ninyong Pilipino, sila po ay mahal po ninyo at sila ay kabahagi ng bansang ito. Maraming salamat G Pangulo.

Video: