Pangarap na nagkatotoo. Ito ang paglarawan ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla nitong Biyernes sa pagpirma ng memorandum of agreement para sa rehabilitasyon ng Daet Airport sa sariling lalawigan na Camarines Norte.
Lumahok si Padilla sa pagpirma ng MOA ni Transportation Secretary Jaime Bautista, Civil Aviation Authority of the Philippines secretary general Manuel Antonio Tamayo, at kapatid niya na si Camarines Norte Governor Ricarte “Dong” Padilla.
“Sa totoo po, this is a dream come true for us,” ayon sa senador sa pagpirma ng MOA sa DoTr office sa San Juan City.
Nagpasalamat si Governor Padilla kay Sen. Padilla at Sec. Bautista and Undersecretary Reinier Paul Yebra, at pati na rin kina Senador Juan Edgardo Angara at Sherwin Gatchalian, para sa kanilang suporta.
Aniya, malakas ang magiging tulong ng airport sa turismo at pati sa pagpasok ng mga mamumuhunan.
“Sisiguruhin namin na ang pondong ibibigay ng pamahalaan ay sisiguraduhin naming ilalagay sa tama at maayos na implementation,” aniya.
Dagdag ng gobernador, nais niyang maging regional hub ang Daet Airport. Nais din niyang magtayo ng seaport para sa Camarines Norte.
Ang rehabilitation project ay pinondohan ng 2024 budget ng DoTr. Ito ay “partnership” ng DoTr, CAAP, at provincial government.
Video:
https://fb.watch/qPy5Nb1x_0/
Pictures: