SRP opening statement: Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes

SRP opening statement:

Magandang umaga sa ating chairman SFT at sa lahat ng ating bisita. Maikli lang sasabihin ko narinig ko sabi ng DFA. Wala akong gustong marinig kundi yan. Di dapat natin iniintindi protesta ng ibang bansa. Importante ang security natin. Magkasama ang security at diplomacy pero lagi nating isipin sarili natin. Yun lang po.

Isang napakagandang hearing nito sapagka’t kasama ko ang aking 2 kapartido sa PDP Laban, 2 matikas, isang napakatalino isang napakatigas. Ito po ay napakagandang araw.

Ang pagdinig na ito ay opisyal nating binubuksan. Narito tayo sa hearing ng committee upang talakayin ang panukala ni SBR SBN 1546, act declaring July 27 of every year a special national nonworking holiday amending for the purpose RA 9645…

Hulyo 27, 1914 – ito po ang petsa nang itinatag ni Brother Felix Y. Manalo ang Iglesia Ni Cristo, at siyang tinuturing na opisyal na pagkakatala ng iglesya sa pamahalaang Pilipinas. Ito po ay 110 years na.

Sa kasalukuyan, ang Iglesia ni Cristo ay may internasyunal na miyembro kabilang ang 151 na racial at ethnic backgrounds. Mayroon po itong halos 7,000 na kongregasyon at misyon na nakagrupo sa lampas 178 ecclesiastical districts sa iba’t-ibang bansa at huriskdisyon sa buong mundo.

Ang nais ng panukalang ito ay bigyan daan ang milyon milyong mga myembro ng INC upang magkaroon ng angkop na celebration at pagbabalik tanaw sa mahalagang araw na ito sa kanilang kasaysayan.

Noong ika-16 na Kongreso unang tinalakay ang panukala upang maging special non-working holiday ang araw na ito.

Noong 2014 din po ay idineklara ng ating gobyerno ang taon bilang “Taon ng Sentenaryo ng Iglesia Ni Cristo” sa bisa ng Proklamasyon Blg. 815. Layon po ng proklamasyon na ito na ipahayag ang mahahalagang ambag ng INC sa pag-unlad ng ating mga pamayanan at ng buong bansa.

Ngayong araw po na ito, kapiling natin ang mga kawani ng pamahalaan, mga representante ng pribadong sektor mula sa paggawa o labor, gayundin po ang kinatawan ng Iglesia Ni Cristo, upang pag-usapan ang panukala upang maging non-working holiday ang July 27 ng bawat taon.

Ako po mismo ay witness sa mga ginawang magagandang bagay ng INC. Ako ay dati sa NET 25, nakita ko ang kanilang lingap di lang ito sa PH kundi sa buong mundo. Nasaksihan ko po ang para sa akin ay very godly na mga misyon ng INC. Hindi lang po sa Kristyano kundi sa mga Muslim. At itong INC ay dito sa atin marami po tayong religion pero ito po ay dayuhan, banyaga. Pero itong INC ay pinagmamalaki natin na dito sa PH po nagumpisa. Kaya kung anuman po ang panukala ni SBR, kaming 3 nandidito nakasuporta. Pero siyempre po walang pinakamainam kundi marinig namin ang boses ng bawa’t isa tulad ni Asec Benitez kung anong mungkahi ninyo.

*****

SRP closing statement:

Totoo po yan, itong mga panukalang ito, katulad ng ginawa ni SBR, ito ang pagkilala kasi. Pagkilala sa ibinahagi ninyong karangalan sa bansa natin sa usapin tulad ng sabi ni Sen Bato, sa usaping patriotism nationalism buhay na buhay yan sa INC. at nakikita nating pag pinagusapan ang pagiging godly, 110 years na kayong nagsisilbi di lang sa kapatid ninyo, pero pati sa di nyo kapatid. Yan ang panukalang ito, doon naguumpisa ang panukala dahil kung binibigay sa ibang religion dapat ibigay din sa INC kasi atin ito eh. Atin. Napakalaking bagay po. Kaya medyo hinihingi natin position ng NHCP, inimbita natin sila pero susunod ang kanilang position paper. Gusto natin linawin sa kanila na yun mismong mga senador, sa kanila nanggagaling ang initiative na gawin ito. At gusto ko parating sa ating kababayan, ang INC mismo ay tahimik sila sa usaping ito. Wala silang pinwersa o kinausap patungkol dito. Katunayan ito talaga nagmumula sa mga senador. Sapagka’t batid namin na dapat kayong kilalanin. Kaya hindi na natin pahahabain itong pagdinig na ito sapagka’t narinig nyo kaming 3, kasama si SBR, galing ito sa amin. Hindi ito kanino nanggaling. At siyempre iniisip din natin katulad ng sinabi ng DOLE, gusto nila maging working holiday, yan ang sinasabi nila kanina.
Pero hinihingi namin sa inyo na hayaan nyo namin ilaban ito bilang ako ay naniniwala na dapat ito sinasabi nila magkakaroon ng epekto, mapaguusapan namin yan titingnan namin. Sa ngayon ang position namin ia-adjurn namin ito paguusapan namin ito gagawan ng committee report, kukunin ang committee report noong 2014 pagaaralang mabuti at pagkatapos noon ay babalitaan namin kayo. Muli po maraming salamat bilang closing nais kong magpasalamat sa mga dumalo ngayong araw. Sa puntong ito ay obvious ito wala na akong kasama ia-adjourn ko na ito maraming salamat po mabuhay kayo.

*****

Video: