Robin, Nais Suriin at Mapabuti ang Info Drive ng Gobyerno vs El Nino

Nais ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla na suriin at mapabuti ang information drive ng pamahalaan para malaman ng publiko ang paghahanda at pagtugon nito sa krisis na dulot ng El Nino.

Ihinain ni Padilla nitong Lunes ang Senate Resolution 987, para gawin ng Senate Committee on Public Information and Mass Media – kung saan siya ang tagapangulo – ang “inquiry in aid of legislation.”

“Conducting an information and awareness campaign is necessary to ensure that the public is well-equipped with the necessary knowledge to undertake precautionary measures on the impact of this weather condition,” ani Padilla sa kanyang resolusyon.

“Filipinos must be informed of up-to-date and necessary preparations and responses of the national and local government, as the country has been taking the brunt of dangerous levels of heat index, mainly attributed to the El Nino phenomenon,” dagdag niya.

Ani Padilla, iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga ahensya ng pamahalaan para gumawa ng “whole-of-government approach” para tugunan ang epekto ng El Nino at ang posibleng epekto ng La Nina.

Dagdag niya, bukod sa pinsala sa agrikultura, may banta ang El Nino sa mga mahalagang sektor tulad ng kapaligiran, edukasyon, kalusugan at pampublikong kaligtasan.

Tinukoy din niya ang datos sa mga ahensya ng pamahalaan na nagdulot ang El Nino ng drought sa di bababa sa 37 na lugar, dry spell sa 22 lugar, at dry conditions sa 12 lugar sa bansa – at nagdulot ng di bababa sa P1.23 bilyon na pinsala sa agrikultura.

“It cannot be denied that implementing a comprehensive public information drive is necessary to apprise the affected population of the government’s projects, programs and activities to help them cope with the adverse effects of this crisis,” ani Padilla.

*****