Sen. Robin, Nais Malaman ang Plano ng Pamahalaan Para sa mga Pilipinong Apektado ng POGO Ban

mmittee on Public Information and Mass Media na kanyang pinamumunuan ang magsasagawa ng imbestigasyon.

“Considering the thousands of Filipino workers who will be adversely affected by the impending closure of POGO operations in the country, the public has the right to be informed of the planned actions and the programs to be implemented by the government to address this issue,” ani Padilla sa kanyang resolusyon na ihinain niya Lunes ng gabi.

Sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 22, inutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang pagbawal sa mga POGO, at inatasan ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) na isara ang mga ito bago matapos ang taon.

Inatasan din ng Pangulo ang Department of Labor and Employment (DOLE) para makipagtulungan sa mga economic manager ng bansa para magrekomenda ng alternatibong trabaho para sa mga maaapektuhang manggagawa.

“According to PAGCOR chairman and CEO Alejandro Tengco, there are some 31,000 direct POGO employees and more than 9,000 workers in special business process outsourcing who will be displaced by the closure of POGOS,” ani Padilla.

Ipinunto ni Padilla na bagama’t nagdala ng kita at trabaho ang mga POGO, naiugnay din ang POGO sa mga iligal na aktibidad kabilang ang financial scamming, money laundering, prostitusyon, human trafficking, kidnapping, brutal torture, at pagpaslang.

Dagdag niya, mismong Philippine National Police (PNP) ang nakatanggap ng reklamo tungkol sa kidnapping for ransom at torture ng mga Tsino na POGO workers sa kapwa nilang Tsino.

*****