Kahapon, ika-12 ng Agosto 2024, inihain ng inyong lingkod ang Senate Bill No. 2777 na naglalayong palakasin ang Republic Act No. 8353 o Anti-Rape Law of 1997.
Nais ko lamang pong bigyang linaw na ang mabibigat na parusa tulad ng reclusion perpetua hanggang kamatayan ay nakalatag na sa RA 8353 ngunit limitado ito para sa mga babaeng biktima ng panghahalay sang-ayon sa sinasaad ng Paragraph 1 Article 266-A ng Revised Penal Code.
Ang ating panukalang amyenda: ang layunin po ng ating panukalang batas ay siguraduhing pantay ang proteksyon sa mga biktima ng karumal-dumal na krimen na ito, anuman ang kasarian – maging babae man, lalaki, o mga miyembro man ng sinasabing ‘third sex.’
Uulitin ko po. Kailangang maging mas malakas, mas gender-responsive, at mas progresibo ang ating mga batas lalo sa nagbabagong panahon.
*****