Pinarangalan si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla at ang kanyang maybahay na si Mariel Rodriguez-Padilla nitong Sabado ng gabi ang Gawad Agila awards ng Okada Elite Eagles Club sa grand ballroom ng Okada Manila.
Ang parangal para kay Sen. Padilla ay para sa “most honest and trustworthy public servant of the year.”
Sa kanyang acceptance message na binasa ni Gng. Padilla, iginiit ni Sen. Padilla na ikinararangal niyang tanggapin ang gawad na ito, na magiging kanyang inspirasyon para maglingkod sa mga Pilipino.
“Wala na pong mas nakatataba ng puso kundi ang makilala bilang matapat at mapagkakatiwalaang lingkod bayan. Ang karangalang pong ito ay nakakapawi ng pagod at hirap at mas nakapag-papaalab pa po ng aking damdamin na makapaglingkod sa mga Pilipino. Asahan ninyo na hinding-hindi ko po sasayangin ang tiwalang inyong ipinagkaloob,” aniya.
Si Gng. Padilla naman ay pinarangalan bilang “remarkable woman of inspiration and outstanding businesswoman of the year” dahil sa kanyang pagsisikap bilang online seller, endorser, actress, host, YouTube personality, at entrepreneur.
Aniya, ang gawad na ito ay “humbling and encouraging” hindi lang bilang artista, kundi bilang babae, asawa at ina. “I promise to hold this dear to my heart and be worthy of this recognition,” aniya.