Bill ni Robin, May 20-Taong Kulong na Parusa sa Uniformed Personnel na Magsisinungaling sa Kongreso

Para mapanatili ang tiwala ng publiko sa mga institusyon ng gobyerno – lalo na ang pulis, militar at ibang uniformed services – ihinain ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla ang panukalang batas na may parusang 20 taong kulong para sa military and uniformed personnel (MUPs) na hindi magsasabi ng totoo sa imbestigasyon ng Kongreso.

Ang Senate Bill 2265 ay ihinain matapos na-cite in contempt ang mga pulis na hindi nagsabi ng totoo ng mga senador na nag-iimbestiga sa diumano’y pagkasangkot ng ilang pulis sa iligal na droga.

“While the Revised Penal Code of the Philippines currently criminalizes perjury and false testimony, the current penalties are not commensurate with the consequences of receiving false testimonies from government personnel during Congressional proceedings in addressing and protecting the public interest,” ani Padilla sa kanyang panukalang batas, ang panukalang “Truthful Congressional Inquiry Act.”

“Thus, this amendment seeks to introduce a higher penalty for military and uniformed personnel who commit perjury in any congressional proceeding. It is an attempt to further safeguard the truth and increase the deterrent for making false statements, particularly within institutions central to the maintenance of peace, order, and national security,” dagdag niya.

Paparusahin ng panukalang batas ang empleyado ng gobyerno na gagawa ng maling pahayag sa imbestigasyon na ginagawa ng Kongreso bilang bahagi ng oversight function o sa paggawa ng batas.

Kulong na hanggang 10 taon ang naghihintay sa empleyado ng gobyerno na magbibigay ng maling pahayag partikular tungkol sa mga krimen tulad ng rape (RA 7659); Title 7 (crimes committed by public officers) of Act No. 3815; and violations of the Government Procurement Act; National Internal Revenue Code; Tariff and Customs Code; Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016; Anti-Graft and Corrupt Practices Act; Revised Corporation Code; Anti-Money Laundering Act of 2001; Dangerous Drugs Act of 2002; Anti-Trafficking in Persons Act of 2003; Anti-Terrorism Act of 2020; Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012; at Omnibus Election Code.

Ang parusa ay 20 taong kulong para sa mga lumabag na miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Corrections (BuCor), National Mapping and Resource Information Agency (NAMRIA), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ibang law enforcement agencies, Bureau of Immigration, Bureau of Internal Revenue, at Bureau of Customs.

Para sa lahat ng lalabag dito, naghihintay din ang multa na hanggang P3 milyon, kasama ang pagbabawal na magkaroon ng pwesto sa pamahalaan habang buhay.

Kamakailan, kinalungkot ni Padilla ang pag-invoke ng ilang pulis sa kanilang karapatan para manahimik, para hindi lumabas ang katotohanan tungkol sa pagkasangkot ng ilang kapwa pulis sa iligal na droga.

“Ito po bang mga akusadong ito na hindi nagsasabi at dinadaan kami sa lagi nilang ‘I invoke my right to remain silent, I invoke my right against self-incrimination,’ parang nagbobolahan na lang po kami doon … masakit sa atin para tayong pinagikot-ikot,” ani Padilla.

*****

SB 2265 Truthful Testimony