Una po, sa ngalan ng pagiging patas, hindi pa ako maaaring gumawa ng personal na panawagan sa ngayon kung maaari ba o hindi ipalabas sa Pilipinas ang pelikulang “Barbie,” hangga’t hindi ko pa napapanood ang pelikulang ito.
Nguni’t ito ang malinaw: ang pagpapasiya kung maaari bang ipalabas ang pelikulang ito dahil may eksenang 9-dash line ng Tsina na taliwas sa arbitration ruling na pumapabor sa Pilipinas ay depende po sa messaging ng pelikula.
Kung makakaapekto po ito sa arbitral ruling, pero kung payag at puwede namang i-edit out ng producer ang eksenang ito, para sa akin ay no problem – puwede po siyang ipalabas.
Nguni’t kung hindi magkaroon ng kasunduan na huwag maging usaping geopolitical ang pelikula, wala tayong magagawa kundi ang pagbawalan itong maipalabas.
Ang lahat ng ito ay nakadepende sa nilalaman at kung hanggang saan papayag ang producer na putulin nila ang bahagi na hindi pabor sa arbitral ruling.