Para sa aming Tiyo Caloy

Sa mga nagbigay po ng pagpupugay kay Gov. Carlos Padilla, sa aking Tiyo Caloy, ngayong araw na ito, ako po ay nakaangat sa upuan sapagka’t kanyang ipinaglaban, malinaw na malinaw na kung ano ang ipinaglaban ng mga ninuno namin sa Espanya na ang isa naming uncle noon, isa naming lolo noon, ay napugutan ng ulo dahil sa kanyang pakikipaglaban para sa mga komoneros. Ibig sabihin ang mga komon na tao. Katulad po ng sinabi ng ating mga magagaling na mambabatas kung papaano niya ipinaglaban ang mga mangingisda, ang mga maglulupa, kung papaano pinaglaban ang mga magsasaka, kung papaano ipinaglaban ang ating mga katutubo, ‘yan po si Tiyo Caloy.
Kaya po mahal kong Tiyo, bilang panghuling salita, gusto ko pong malaman ninyo una sa lahat maraming salamat po sa pagsuporta nyo sa akin noong kumandidato ako. Isang tawag ko lang sa inyo sabi mo di ka na kailangan pumunta rito, No. 1 ka na dito. Kaya po nangyari No. 1 ako. Pangalawa, humihingi ako ng paumanhin sa iyo Tiyo Carlos noong tumakbo ka sa Senado. Hindi ako nakarating. Patawarin mo ako, Tiyo Carlos. Mahal po kita. Maraming salamat po.

Video: