Resolusyon ni Robin, Tinulak ang Mas Mainam na Pag-Ingat sa Cultural Properties Matapos Masunog ang Manila Post Office

Itinulak ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla ang mas mainam na paraan para sa pag-ingat ng mga cultural properties, matapos masunog ang Manila Central Post Office Linggo ng gabi.

Naghain si Padilla ng Senate Resolution 627 na nanawagan ng imbestigasyon ng Senado para palakasin ang polisiya sa pagprotekta ng cultural properties mula sa sunog at ibang sakuna.

“This recent incident underscores the vulnerability of our national cultural heritage to fire and other hazards and highlights the urgent need to revisit and assess the effectiveness of existing preservation and protection measures,” aniya.

“It is of public interest to provide policies that will prevent or mitigate the effect of fire and other hazards to protect and preserve our national cultural heritage,” dagdag ni Padilla.

Sa kanyang resolusyon, ipinunto ni Padilla na ang Manila Central Post Office Building ay isang “iconic neo-classical building” na dinisenyo noong 1926 ng mga Amerikanong arkitektong sina Ralph Doane and Tomas Mapua, at Pilipinong arkitektong si Juan Marcos de Guzman Arellano.

Aniya, sa halos 100 taon, ang Post Office building ay kilala bilang “grandest building” at isa sa mga “dominating landmarks” sa Metro Manila.

Dagdag niya, ang Manila Post Office building ay dineklara noong 2018 bilang “important cultural property.”

“The Manila Central Post Office is a tangible representation of the nation’s culture and history, and its damage is a blow to the country’s cultural heritage,” aniya.