Bahagi ito ng aking pananampalataya. Ito ang pagpapaliwanag at pagdepensa ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla sa hand gesture na “Kalima La ilaha ilalah” na ipinapakita niya sa pag-awit ng “Lupang Hinirang.”
Sa kanyang pakikipagpulong sa mga bisita galing sa Malaysia, iginiit ni Padilla na pinakamahalaga sa kanya ang kanyang pananampalataya. Dagdag ng mambabatas, ginagawa niya ito tuwing inaawit ang “Lupang Hinirang.”
“I always do the ‘Kalima La ilaha ilalah’ with my hand here. Why can’t you do that? I would rather resign than somebody telling me I cannot (practice) my faith,” aniya tungkol sa gesture na pinapakita na iisa ang Diyos.
Dagdag niya: “I will never, never exchange my faith to be a politician.”
Noong Lunes, nagkaroon ng mga online comments si Padilla dahil sa kanyang hand gesture sa pag-awit ng “Lupang Hinirang” bago ang pangalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ani Padilla, handa siyang bumitiw sa kanyang pwesto sa pulitika kaysa pagsabihang hindi niya ipakita ang kanyang pananampalataya.
“If I will not be successful in pushing for a federal parliamentary form of government I’d rather be an imam, I’d rather go to Malaysia and study the Koran than be a senator,” dagdag niya.