Lumipad si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla patungong Israel Sabado ng gabi para lumahok sa mga conference tungkol sa “compassionate use” ng medical cannabis (marijuana) – at kung paano ma-apply sa Pilipinas ang mga ginagawa sa Israel.
Kasama sa schedule ni Padilla, na naghain noong 2022 ng Senate Bill 230 para gawing legal ang medical use ng cannabis, ang presentations sa cannabis medicalization sa Israel, at pati ang quality, rules at standardization nito.
May mga seminar din siyang pupuntahan tungkol sa agricultural technologies at development sa medical cannabis, at pati na rin ang research and development dito.
Ipinunto noong nakaraang taon ni Padilla na maraming Pilipino – kabilang ang mga bata – ang nagtitiis sa epekto ng mga kondisyong medikal tulad ng seizure disorder at epilepsy, na maaaring tugunan ng medical cannabis.
Bukod dito, marami ring potensyal na benepisyong pang-ekonomiya ang dulot ng non-psychoactive na parte ng halamang species ng marijuana sa paggawa ng mga halos 25,000 na iba’t-ibang produkto tulad ng papel, pera, lubid, tela, at pati na ang biofuel, laundry detergent, automobile construction parts, beauty products, hemp protein powders, hemp milk, hemp coffee at milk, particle board biodegradable plastic, paint at insulation.