Robin: Subcommittee Para Talakayin ang Econ Chacha, Pabor sa Taumbayan

s mainam ang pahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri patungkol sa pagtalakay nito.

“Pabor po yan para sa taongbayan. Una, mawala ang bias dahil batid ng lahat na ako ay pro-Charter change. Pangalawa, walang redundancy hearing, hindi sayang ang pondo ng Bayan. Pangatlo, bukod sa abogado si Senator Angara, bihasa din siya sa ekonomiya at finance,” ani Padilla, na tagapangulo ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.

Nagpasalamat din si Padilla sa pamunuan ng Senado sa paggalaw nito tungkol sa isyu.

Dagdag niya, natapos na niya ang kanyang public hearings sa economic provisions ng Saligang Batas, at nakapaghanda na rin ng committee report.

“Kaya mas mainam po gawin ang pahayag/guidance ni SP Lakan bilang aming pinuno na magkaroon ng subcommittee at si Senator Sonny Angara ang magpreside,” aniya.

*****