Sa Usaping Pagpasok ng ICC sa Ating Bansa

Sa ating mga minamahal na kababayan: Assalamu Alaykum Wa Rahmatullahi Wa Barakatuhu.

Ang pahayag na ito ay patungkol sa aking pagtindig sa likod ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas – ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. – pagdating sa usapin ng pagpasok ng International Criminal Court (ICC) sa ating bansa upang magsagawa ng kung anumang imbestigasyon.

Matagal na pong natapos ang usaping ito nang umalis tayo bilang miyembro ng ICC noong panahon ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kung kaya’t hangad nating matuldukan na ang isyung ito. Wala po itong idinudulot sa ating mga kababayan kundi kalituhan.

Sa puntong ito, hinihikayat ko ang ating mga kababayan na makiisa sa desisyon ng ating pamahalaan na naglalayong itaguyod ang isang malayang Pilipinas.

*****