Humiling si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla sa Korte Suprema nitong Miyerkules na itakda na sa lalong madaling panahon ang oral arguments para sa kanyang petisyon na resolbahin kung magkasama o magkahiwalay bang boboto ang miyembro ng Senado at Kamara sa pagtalakay ng pag-amyenda sa 1977 Constitution.
Ihinain ni Padilla ang urgent motion para magkaroon ng oral arguments, bilang nakaupong senador – dalawang araw matapos maghain ng petisyon para sa “declaratory relief on constitutional matters related to Sec. 1(1) and 3, Art. XVII” ng Saligang Batas.
“In order to clarify matters in the petition and emphasize certain legal points, petitioner respectfully asks this Honorable Court to set the case for oral arguments at a time and date most convenient to the Honorable Court,” aniya sa kanyang mosyon.
Dagdag ni Padilla, na tagapangulo ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, na ang kanyang mosyon ay “filed in good faith and is not intended to delay the proceedings of this case.”
Nitong Lunes, ihinain ni Padilla ang instant petition na humihingi ng declaratory relief tungkol sa Sec. 1 at 3 ng Art. XVII ng Konstitusyon.
Hiningi ng petisyon ang “authoritative declaration” ng Supreme Court sa mga sumusunod na isyu:
* Kung ang Senado at Kamara ay dapat mag “jointly convene” bilang constituent assembly kung tatalakay ng pag-amyenda o pag-rebisa sa Saligang Batas sa ilalim ng Sec. 1(1), Art. XVII nito;
* Kung voting jointly, ang 3/4 sa ilalim ng Sec. 1(1) ba ay 3/4 vote ng Senado at 3/4 vote ng Kamara; o 3/4 vote ng 24 senador at lahat ng myembro ng Kamara;
* Kung ang Senado at Kamara ay dapat mag “jointly convene and assemble” kung nagtatawag ng Constitutional Convention at/o pag-submit sa electorate ang pagtawag ng ganitong convention;
* Kung voting jointly, ang requirement na 2/3 vote sa ilalim ng Sec. 3, Art. XVII, ay 2/3 vote sa Senado plus 2/3 vote sa Kamara; or 2/3 vote ng 24 senador at miyembro ng Kamara;
* Kung voting jointly, ang “majority vote” sa Sec. 3, Art. XVII ba ay majority vote sa Senado plus majority vote sa Kamara; o majority vote ng 24 senador kasama ang miyembro ng Kamara.
Ani Padilla, hindi niya magampanan ang tungkulin niya bilang tagapangulo ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes dahil sa kulang ng kalinawan sa mga nabanggit na probisyon.
“Without the Honorable Court’s declarative pronouncements, these questions, as well as the unstable relations between the two Houses of Congress, shall persist,” dagdag niya.
*****