Sen. Robin, Nagtayo ng Help Desk Para sa Apektado ng Bagyong Carina

Nagtayo ng help desk si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla nitong Miyerkules para tulungan ang mga apektado ng baha at ibang kagipitang dulot ng Bagyong Carina (Gaemi).

Nakikipagugnayan ang tanggapan ni Padilla sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at ibang ahensya para tumugon sa mga pangangailangan.

Kabilang sa mga hotlines ang:

* Landline: 85715175
* Globe: 0995 224 5978
* Smart: 0931 007 9769 and 0961 413 9588

*****