Magandang araw po muli sa ating mga kasamahan sa industriya, asosasyon ng mga artista at mga creative workers, producers at siyempre po, sa atin pong mga kinatawan ng iba’t ibang sektor ng pamahalaan.
Mahaba po ang ating agenda sa araw na ito. Dalawampu’t siyam (29) na panukalang batas na pangunahing naisangguni sa Komite ng Public Information at Mass Media ang ating pag-uusapan. Malawak po ang ating saklaw kaya naman para organisado ang ating talakayan, atin pong nilipon batay sa pitong (7) paksa ang ating pagdinig:
(1) Una, ang tampok na usapin ng Freedom of Information.
(2) Pangalawa po, ang paglalathala ng mga batas sa pamamagitan ng electronic at online na bersyon na nakapaloob sa Senate Bill 1645 ni Senator Estrada at Senate Bill 881 ni Senator Grace Poe;
(3) Pangatlo, ang pagtiyak ng language accessibility ng public information ukol sa mga sakuna nila Senator Revilla, Legarda, Estrada at Lapid;
(4) Pang-apat na ating tatalakayin ang panukalang paggamit ng Digital Identification.
(5) Pang-lima, regulasyon ng media.
(6) Pang-anim, pagsisiguro ng tunay na identidad sa online at social media.
(7) Pang-pito at pinakahuling paksa ang mga panukala para sa industriya ng pelikula at telebisyon.
Lulundag na tayo sa ating diskusyon. Para sa ating paunahin, kung maaari lang sa inyong lahat ay magsumite po kayo ng inyong position paper sa amin para po mapagaralan. Muli magandang hapon sa inyong lahat.
Atin na pong bubuksan ang talakayan sa ating unang paksa: ang Freedom of Information Bills.
Ang FOI bill po ay naipasa na on third reading sa Senado noong 16th Congress. Higit sa tatlong dekada na rin po itong nakabinbin sa Kongreso. Kung maaalala natin, naglabas ang dating Pangulong Duterte ng Executive Order No. 2 series of 2016, noong Hulyo 23, 2016 para gawing operasyunal ang FOI sa Ehekutibo.
Ang ating tanong, bakit pa po kailangan isabatas ng FOI? Ang pagsasabatas po ng FOI ay magpapatibay ng Executive Order sa pamamagitan ng pagpuno sa mga kakulangan, pagbibigay ng pondo sa mga mandato, at pagtukoy ng mga parusang kriminal. Sakop ng panukala ang Ehekutibo, Hudikatura at Lehislatura, kasama na ang mga GOCCs.
Balikan po natin ang mahahalagang probisyon nito.
Ano ang sakop ng FOI? Lahat ng sangay ng gobyerno, executive, legislative at judiciary; constitutional bodies; LGUs, GOCCs, government instrumentalities, government corporate entities, non-chartered GOCCs at SUCs.
Bukas sa publiko ang SALN ng mga opisyal ng pamahalaan: Presidente, VP, Cabinet members, myembro ng Kongreso, justice ng SC. Public interest transactions, documents or records tulad po ng budget expenditures, bidding contracts, procurement plans, utang, kontratang may halagang P50M, etc.
Ilan sa mga hindi sakop ng FOI: Confidential at limitado sa national security o defense, law enforcement, foreign affairs, presidential communications privilege, information sa executive session ng Kongreso atbp.
Video: