SRP at hearing on road rage

SRP to Wilfredo Gonzales: Alam nyo, malungkot ako eh. Malungkot po ako dahil ako isang taong nagbayad ng kasalanan ko Mr Gonzales. Noong ako ay dumaan sa ganyang init ng ulo, bumulo ako ng 3.5 taon. Ito po kasing kasong ipinataw sa inyo alarm and scandal, 1 day 1 month. Isa lang masasabi ko Mr Gonzales, napakaswerte ninyo sapagka’t ito pong nangyari na ito para sa akin apektado po rito ang mga responsible gun owners, kami nabanggit kanina muntik ako nalaglag sa upuan kasi napagusapan na naman ang criminal buti may absolute pardon na ako.

Nabigyan kami ng pagkakataon uli na magkaroon ng baril. Kasi ang baril pwede yang depensa yan at saka sa sport. Hindi yan opensa. Hindi yan isang bagay na parang nakainom lang ng gin ang tapang mo na pag may baril ka. Sana, kasi kalmado na kayo nang dumating ka kalmado na kayo kaya hindi kami makaporma dito parang ayos na kayo, ayaw magreklamo ni Sir Bandiola. Alam nyo Sir, tama naman ang arrive mo. Sabi nga sa English, when you become a parent, having a principle not a priority. Bilib po ako sa inyo sa oras na yan sapagka’t pinoproteksyunan ninyo ang pamilya ninyo. Pero bilib din ako sa anak ninyo kasi ang ganap na ito sana huwag nang maulit. Sapagka’t kung walang naparusahan dito, Boss, alam mo naman ang ugali ng mga Pilipino op, nakalusot baka ako makalusot din. E mahirap naman maginit-initan ang ulo malamig na lahat ng ulo ninyo. Pero ako talagang, Chairman, malungkot ako malungkot ako sapagka’t hindi naman sa gusto ko po kayong maano, pero siyempre may nagawa kayo Boss, may nagawa kayong isang bagay na kinasahan mo ng baril ang tao binatukan mo pa. E mainit din ho ang ulo ko pero di ko pa naman nagawa yan, di naman ako ganoon. Suntukan, suntukan lang talaga, magbabad tayo kung gusto mo. Pero pag may baril na iba talaga yan. E sana huwag na maulit ito.

Tapos napanood ko pa kayo sabi sa isang interview babarilin nyo po talaga.

WG: Your Honor idi-disable ko siya kung talagang susugurin niya ako. Inamin niya kanina nang wala pa kayo, susunggaban niya ako talaga. Susugurin niya ako.

SRP: Pero babarilin ninyo?

WG: Sa paa lang po. Para i-disable lang po. Galing ako sa opera at may edad na rin ako

SRP: Bakit kayo naglabas ng baril?

WG: Kasi susugod siya sa akin pagbaba niya naglilisik mata niya. Ang patawad hingi ko kanina uulitin ko sa inyo nabatukan ko naglabas ako ng baril at nagkasa. Nagkasa ako para huminto siya ng pagsugod sa akin if ever…

SRP: Hindi ko matatanggap. Kasi gun owner tayo, responsible, bawal yan. Hindi mo dapat nilalabas yan. Pasensya na ayoko magtaas ng boses dahil nakatatanda kayo pero hindi ako papayag na tatanggapin natin yan mga gun owner pag ganyan kakasa ng baril, wag naman po.

WG: Kaya hingi ako ng tawad.

SRP: Wag nyo i-justify ok na yan hingi kayo ng apology. Tapusin natin doon kasi lalaki po, parang iwan po natin sa mga kababayan natin hindi talaga proper yan na ikaw ay gun owner, ilalabas mo baril mo. Pambihira. Hindi dapat. Tapos na panahon ni Jesse James.

SRP and Bandiola:

Bandiola: Siyempre bilang ordinaryong tao sino hindi matatakot

SRP: Bakit umabot na kakasa siya ng baril

Bandiola: Normal reaciton natin mag-react tayo. Hindi ko agad nakita (ang baril).

SRP: Bakit kayo nabatukan

Bandiola: Pagtapik ko sa kotse niya sa bike lane…

SRP: Inaamin nyo uminit ulo ninyo

Bandiola: Normal reaction kong tapikin para ma-call attention niya

SRP: Doon uminit ulo nyo nang tinapik kayo

WG: Nang sinuntok kotse ko at dinirty finger ako

SRP: Basta … ang baril di sandata para maging matapang kayo.

Video: