SRP manifestation

Gusto kong magpugay kay SJE sa pagtindig sa ating mga kasambahay at kanya po itong legacy talaga. Ang hinihiling ko lamang po Mahal na Pangulo, sana po ay maging mas gigil tayo sa isyu na ito sapagka’t pag ang ating kasambahay ay namamaltrato sa ibang bansa, tayo po ay nagpapakita talaga na tayo ay gigil. Pero sa usaping ito, dapat po mas gigil tayo sapagka’t nandito mismo sa bayan natin ang nagbibigay ng ganitong klaseng pagmamaltrato. Napakasakit pong tanggapin. Napakahirap namnamin. Pero dapat po Mahal na Pangulo bigyan natin ito ng pansin. Maraming salamat po.

Video: