SRP manifestation on Jaclyn Jose passing

Ginoong Pangulo, meron pong malungkot na pangyayari. Isa pong pagluluksa ang nangyayari po sa mundo ng pelikulang Pilipino at telebisyon, patungkol po sa biglaang pagpanaw ng atin pong ginagalang at hinahangaan na artistang Pilipino, na nagngangalang Jaclyn Jose. Siya po ay kilala, siya po ay masasabi nating award-winning. Siya po ay nagkaroon ng Best Actress award sa Cannes Film Festival na kinikilala po sa buong daigdig at nagbigay po sa atin ng karangalan sa bansang Pilipinas. At siya rin po ay naging parang propesora, teacher, sa mga batang artista, inspirasyon sa mga batang artista katulad po nina Coco Martin, katulad din po ng aking anak na si Kylie Padilla.

Hinihingi ko po sa aking mga kasama dito sa Senado na maging kasama po kayo sa pakikiramay sa kanyang pamilya sa biglaang pagyao po ng ating hinahangaan at minamahal na si Jaclyn Jose. Kasama ko po dito sa manifestation na ito ay sina Sen. Bong Revilla Jr, Sen Jinggoy Estrada, Grace Poe, at lahat na mga senador na may puwang sa puso ang mundo ng pelikulang Pilipino at telebisyon.

Muli po hinihingi ko po sa inyo ang pakikiramay po natin kay Mary Jane Sta Ana Guck a.k.a. Jaclyn Jose. Maraming salamat po.

*****

Video: