SRP manifestation on SB 2534

Gusto ko lamang pong magbigay ng isang matipunong saludo sa aming mga kasamang senador na nagbigay ng panukalang ito. Unang una po siyempre kay Sen Jinggoy Estrada, at sa ating warrior SP Sen Migz Zubiri, at sa lahat ng co-author ng panukalang ito.

Nais ko lamang din pong ipahatid ang aking intention na maging kapwa may-akda at kapwa sponsor ng SB 2534 sa ilalim ng CR 190. Ang paghahain ng panukalang ito sa plenaryo ay patotoo na may tengang nakikinig at pusong nakakaunawa sa pinagdadaanan ng mga mamamayang Pilipino.

At bilang ah gusto ko lamang pong isunod mahal na G Pangulo na sana po maharap din po natin ang usapin ng patungkol sa unyon na ito po ay nagiging suliranin na rin ng ating manggagawa sapagka’t nagkakaroon po tayo ng mga homegrown union. Ito po ay nagiging sagabal, nagiging problema, suliranin ng ating mga manggagawa sapagka’t ang sinasabi sa ating Constitution dapat sila, mga manggagawa, ang nagtatayo ng unyon, hindi ang mismong pinagtatrabahuhan.

Yan lang mo maraming salamat po mabuhay po kayo. Isang karangalan sa inyong lingkod maging bahagi ng panukalang batas na ito.

*****

Video: