Ako ay 100% na sumusuporta sa mga binigkas po ng ating ginagalang na Senadora Imee Marcos. Sapagka’t napakaganda po ng kanyang talumpati patungkol po sa mga rebolusyonaryo. Ito po ay kailangan nating namnamin ang tamis nito sapagka’t mahal na ginoong pangulo, ang mga nauna sa atin ay tunay na mga manggagawang Pilipino. Yan po ang mga kasama ni Andres Bonifacio. Sila po ay mga totoong manggagawa na tunay na pumukaw ng rebolusyon. At ito po ay bago ninakaw ng mga pulitiko. Kaya napakaganda po ng paliwanag ng ating mahal na senadora na hanggang sa ngayon nagpapatuloy po ng rebolusyon na yan mga manggagawa pa rin kaya magandang ating yakapin ang ratification nitong isinagawa ng ILO sapagka’t ito po ay pagpapatuloy pa rin ng mga pinaglalaban ng mga Katipunera noong araw na ipaglaban ang karapatan nila na kapantay ng kalalakihan. Yan ay napakasarap namnamin sapagka’t katatapos ng kaarawan ng ating rebolusyonaryong ama ng rebolusyon na si Andres Bonifacio at ngayong Dec 5 inaalala natin ang mutiny ng mga Pilipinong sundalo diyan sa Intramuros. Napakasarap pong pakinggan sapagka’t ibig sabihin buhay na buhay pa rin espiritu ng rebolusyon sa ating puso at ang pagnanais natin na mabigyan ng tamang karapatan ang ating mga manggagawa. At ito po ang simula at ang susunod naman ay yung kanilang sweldo.
Sana po ito po ang panimula at dito sa ating bulwagan alam ko po na tayo ay inip na inip na ring itaas ang sweldo ng ating manggagawa. Pagkatapos po nating ipaglaban ang kanilang karapatan na mawala ang karahasan at panliligalig sa mga workplaces, ito naman po sana ang isunod natin. Maraming salamat ginoong pangulo.
*****
Video: