SRP on Ban Ki Moon

Gusto ko lamang pong mapabilang at maging co-sponsor sa hakbang na ito ng ating Gng Pro Tempore Sen Legarda sapagka’t alam nyo po ang ating kinikilala, ang dating UN Ban Ki Moon ay, sa kanya noong panahon po niya, nag-umpisa ang kanyang panawagan na magkaroon ng katapusan ang giyera sa pagitan ng Israel at Palestine. Hanggang ngayon siya po ay tumitindig at nakikiusap sa 2 partido na tumigil na po ang kanilang giyera sapagka’t nasa halos 30,000 na po ang namamatay na mga Palestino at mga sibilyan, bata. At ito po ay tinatanaw ng mga Muslim na napakalaking utang na loob sa kanya sapagka’t siya po ay hindi kailanman natinag, natakot. Siya ay laging tumitindig para sa kapayapaan. At isa po ito mahal na pangulo na tinitingnan namin na tunay na pinuno di lang ng isang bansa kundi ng UN.
*****

Video: