SRP on Lorenzana

Gusto ko lamang pong mapabilang sa mga kasama natin na nagbibigay ng parangal kay Gen. Sec. Lorenzana sapagka’t ako po mismo meron akong personal na experience kung gano kasuporta na binibigay ni Gen Sec Lorenzana sa mga katulad ko po na minsan ay nagkaroon ng isang proyekto kung naalala nyo po, ang lahat ay tahimik ang lahat ay di nagsasalita, pero si Sec Lorenzana, siya po ang nagbigay sa akin ng pahintulot upang lumayag sa WPS at doon po magsagawa ng aking pagaaral kung ano nangyayari talaga sa Spratly at ibang lugar pa.
At katulad ng aking sinabi, wala na po akong makikitang ganitong klaseng pinuno at buong buo po ang kanyang katapangan. Talagang ang parangal na binigay sa kanya ay bagay na bagay sa kanya.
At bukod noon noong panahon ng pandemic … di ko makalimutan itong General na ito ay nagpakita pa ng kalakasan nagpu-pushup, lahat na ng klase ng pagbibgay inspirasyon sa taumbayan ay ginawa po niya.
Kaya ako po ay isa sa mga senador na sumasaludo sa kanya at gusto ko po talagang mapabilang sa parangal na ito dahil tunay po siyang isang lider natin bilang isang militar at bilang isang sibilyan. Siya ay sasamahan ko sa anumang lugar na pupuntahan niya. Mahal ko siya bilang lider. Maraming salamat po.

*****

Video: