Gusto ko lamang pong batiin, pasensya na kayo dahil ako ay tagahanga eh, gusto kong batiin ang artistang hinahangaan ko, unang una isa sa paborito ko si Ms Iza Calzado; at siyempre po ang nagbigay sa atin ng karangalan sa pandaigdigang labanan, Dolly de Leon; at siyempre Tita Boots Anson Roa. At siyempre po ang Guy and Pip, Tirso Cruz III; at ang aking paboritong character actor, Rez Cortez.
Mabuhay po sa lahat ng ating mga bisita. Sana po magtulungan tayo. Hindi po tayo nandito para magtalo-talo o di magkasundo. Gusto lang po nating magkaroon ng napakagandang workflow sa ating industry kahit ang industry natin medyo nasa alanganin ngayon. Yun lamang po. Maraming salamat, Chairman.
Video: