SRP opening statement at Bilibid hearing

Ako po ay punong-puno pa ng kaligayahan sapagka’t muli akong nakatapak sa aking tirahan ng 3.5 taon. Itong lugar na ito dito kop o nakita ang katahimikan sa buhay ko. Dito ko po nakita ang kapayapaan. Dito po nabago ang buhay ko. Dito sa NBP sa BuCor.

Hindi ko po manamnam ang mga bagay na nababalitaan ko ngayon. Medyo malayo ito sa nakita ko noon. Kasi noon talagang gusto naming magbago. Marami akong kasamang luku-luko pa pero namayapa na sila. Pero ang mga gustong magbago na katulad ko, e kami naman po ay pinagpala ng Panginoong Diyos at kami po ay may mga pinuntahan na magaganda.

Kaya po sana sa oras na ito maliwanagan tayong lahat kung saan po talaga kasi baka tayo ay biktima ng bali-balita, kwento-kwento, lalo na ho ngayon sa panahon ng social media di na natin alam. Madalas akong kausapin ng mga kasama kong senador dahil bilang ako ang chairman ng committee ng public information kung anong pwede naming gawin sa fake news. Marami ho talagang fake news at yan ho ang kalaban natin sa ngayon.

Isa lang ho ang pwede ko i-share sa inyo mga mahal kong kababayan. Ang BuCor po, noong panahon po namin, CORRECTION. Malalim ho ang ibig sabihin noon. Di na ho ito penitentiary. Ibig pong sabihin may human rights pa rin ang bilanggo, meron pa rin silang mga karapatan. Ang tinanggal lang natin sa kanila, kalayaan. Pero para mamuhay, hindi po natin tinatanggal yan. At ang mga pribileyong binibigay, yan po ay pinapayagan ng UN. Pag sinabi po nating UN, meron po tayong mga guidelines sa mga prisoner. Hindi po ibig sabihin niyan na kapag isang bilanggo torture-in natin yan pahihirapan natin, wala na pong hard labor ngayon. Ang BuCor, ibig sabihin noon ay rehabilitation. Pagka pinagusapan natin ang rehabilitation may privileges po yan.

Ang hindi lang natin makukunsinti ay ang droga. Yun pong panahon namin dito, hindi po namin yan kinunsinti at yan po ay mapapatunayan ng mga nakasama ko po dito sabihin nating empleyado man o bilanggo. Alam ng lahat kinalaban ko ang droga dito sa loob.

Yun lang kalaban natin wala nang iba. Kaya po sana sa pagdinig na ito lumabas ang katotohanan at malabanan natin ang fake news. Yan lang po mahal na tagapangulo. Marami pong salamat.

Video: