SRP opening statement at Bucor

Ako naman po ay may maikling panimulang salita patungkol dito. Una, gusto ko pong linawin muli. Ako po ay galing dito sa BuCor. Kalahati po ng aking pangangatawan, espiritu, utak, ay nandito sa mga bilanggo. Ako ay nagrerepresinta ng mga bilanggo. Bukod sa nagrereprisinta ako ng ating kababayang Pilipinog bumoto sa akin, itong usaping ito ay hindi po ito pwede nating basta isantabi sapagka’t ilang libo pong bilanggo ang naapektuhan dahil sa kalokohan ng 1 tao, o 2 o 3 bilanggo. Hindi po patas, hindi po parehas kung yung ilang libong bilanggo ay magbabayad sa katarantaduhan lang ng 1 o 2 o 3 bilanggo. Hindi po fair yan. Dahil noon pong ako ay napiit dito, hindi naman po lahat na bilanggo ay siraulo pa rin. Marami pa rin po ang gustong magbago. Kaya sana po, ito pong ginagawa nating pagdinig, hindi po natin inilalagay sa peligro o sa paghihirap o torture ang ibang bilanggo. Sana huwag po natin kalimutan na meron tayong UN guidelines sa prisoners. At kailangan po nating sundin yan. Hindi po nangungulungan ang bilanggo para torturin natin, pahirapan natin. Hindi po. Nandito yan para i-rehabilitate po natin kaya po Bureau of Correction.

Kaya sana po, hinihiling ko po sa lahat na mga nandito ngayon pati na rin sa mga kasama nating mambabatas sa HOR at Senado, mga congressman, mga senador, hindi po natin dapat i-put on trial ang lahat ng bilanggo dito. Ang dapat po natin ditong pagtuunan ng pansin ang mga bilanggong nagpapasok ng droga, yang mga tumatakas na yan, napakaliit lang po ng porsyento na yan.

Kaya sana po ang hiling ko sa inyo maimbestigahan natin nang tama talaga, kung paano tumakas ang ulol na ito, para huwag pong pamarisan, at kung ano rin po ang pwedeng gawin ng ating mga empleyado at gwardya na hindi po maulit ito. At sana rin po mabura na rin ang myth. Kasi ako hindi naniniwalang may pinatatakas dito at pinatatrabaho sa labas, pinahoholdap, pinapapatay ng tao. 3 taon ako rito wala akong nabalitaan na ganoong nakakalabas. Ang alam ko hong mga tumakas dito, tigok din.

Kaya sana po maliwanagan po nating lahat kung ano ang myth, kung ano ang katotohanan sa kwentong kutsero, kung ano ang pampelikula lang at kung ano ang katotohanan. Maraming salamat po.

Video: