Isang napakagandang araw nito, Ginoong Idol, Ginoong aming tagapagturo, ang aming nag-iisang SFNT. Pagdating sa usapin ng batas ito ang aking sandigan. Isang magandang tanghali sa inyo SFNT ating ginoong pangulo sa hearing na ito.
Sa lahat po ng kasama natin mga panauhin natin na espiritu ng Panginoong DIyos ay umaapaw sa kwarto na ito, isa pong napakagandang araw. Papunta rito ako ay inspiradong inspirado sapagkat ito ang hearing na ito ang masasabi natin na pag pinagusapan natin ang Saligang Batas, preamble pa lang, simula pa lang, unang pahina pa lang ng Saligang Batas, (naibida?) na po kaagad ang Panginoong Diyos. Nandito yan. Basahin ko sa inyo. Napakaganda ng binanggit ni SFNT sapagka’t pag walang pananampalataya, parang malabo po ang mangyayari sa bansa natin. At ito ang sinasabi sa Preamble, panimula ng Saligang Batas:
Kami, ang nakapangyayaring sambayanang Pilipino, na humihingi, humihiling, sa tulong ng Makapangyarihang Diyos, upang makabuo ng isang makatarungan at makataong lipunan at magtatag ng isang Pamahalaan na kakatawan ng ating mga mithiin, magtataguyod ng kabutihang panglahat, pag-iingat at pagpapaunlad ng aming patrimonya, at magtitiyak sa ating sarili at sa ating mga inapo, ay mga pagpapala ng kalayaan.
Isipin nyo po yan ha, sa una po yan ng Constitution natin prayer po yan. Napakaganda po na mga iminungkahi ng ating tagapangulo sapagka’t pag binabasa ko ako po kasi ay nasa committee ng revision ng Constitution. Kaya palagi ang una kong binabasa inaaral sa Constitution, palaging inasampal sa atin ang paghiwalay ng State at Religion. Alam nyo po masyadong Inabuso inabuso yang usapin na yan na dapat katulad ng sinabi ni SFNT, palagi natin tatandaan oo tayo ay may batas ng tao. Bilang mga Pilipino tandaan natin wala pa po rito ang tinatawag nating mga banyagang relihiyon. Wala pa rito ang Islam wala pa rito ang Kristyanismo, mga ninuno natin naniniwala na po sa DIyos. Muli po ang lahi natin ay sabihin ko na po pangkalahatan itong buong mga isla itong 7000 islands na sinasabi naniniwala na po yan sa Panginoong DIyos.
Sana po, isabuhay natin itong paniniwalang ito, pilitin nating isabuhay natin palagi sapagka’t dito mag-uumpisa ang tinatawag nating tunay na serbisyo, ang tunay na good governance, ang tunay na honest to goodness na matatawag nating pagseserbisyo sa taumbayan. Hangga’t hindi po (ibubuhay?) ito, magkakaluko-luko po tayo. Dahil ang pinakamatindi sa lahat ay ang takot at paggalang sa Diyos. At pag meron tayo niyan, meron tayong paggalang sa isa’t isa. Pag nagkaroon po tayo ng paggalang sa isa’t isa ibig sabihin ang pag-unlad ay susunod na po.
At sinusundan ko sinasabi ng ating ginoong pangulo ngayon, wala dapat pakialam ang estado sa usapin ng pananampalataya natin. Hangga’t hindi natin yuyurakan ang Saligang Batas, wala dapat tayong ikinakabahala. Nandiyan ang Saligang Batas bilang ang ating giya, yan ang ating sinusunod, meron din tayong pananampalataya sa sarili natin, bawa’t isa meron tayong pananampalataya na di dapat sapawan at apakan nitong tinatawag natin na isang batas natin.
.
Malinaw naman po yan sa ating Saligang Batas. Sana wag natin pilosopohin. May mga kasama tayo may mga kababayan tayo pinipilosopo pa. Wag po natin pilosopohin. Pagdating sa ating pananampalataya (?)ng ating ginoong pangulo, maging literal tayo, wag tayo magkaroon ng kanya-kanyang interpretation. Pananampalataya mo yan, Kristyano ka, ikaw mag-interpret niyan. Muslim ka, interpret mo. Walang sinuman ang may karapatan mag-interpret ng religion mo. Religion mo pananampalataya mo, iyo yan. yan lang po mahal na tagapangulo maraming salamat po.
Video: