SRP: Ako po ay manggagaling doon sa ating huling paguusap patungkol sa aming hinihingi. Ito ay napakahalaga sa mga matatawag nating tunay na kayamanan ng ating bansa, sapagka’t tayo ay may kultura. At pag pinagusapan ang kultura, kasama ang teritoryo, pag-aari at kasaysayan. Hindi pupuwedeng magkaroon ng kultura na walang kasaysayan at walang pag-aari.
Ito pong usapin ng Sabah, isang bagay na humahamon sa gobyerno, sapagka’t sinasabi ng kasaysayan na itong Sabah ay atin po ito. Hindi po ito usapin ng kinuha natin sa isang lugar at sinabi. Ito ay may historical background at ito po ay may ebidensya galing pa sa kaharian ng Espanya at panahon ng Amerikano. At ito rin ay pinatunayan noong panahon na ang pangulo ng PH ay si Diosdado Macapagal. Sapagka’t noong nagkaroon po ng sinasabing Federation of Malaysia, nag-react ang PH dahil sinama ang North Borneo, Sabah. Kaya nagkaroon tayo ng claim noong 1962.
Ang hindi natin maintindihan ay dumating ang 1968, panahon ni Pres FEM. Tayo ay gumawa ng batas. Ito ang RA 5446 na ang sinasabi sa Sec 2, the definition of the baselines of the territorial seas of the PH archipelago… territory of Sabah, situated in North Borneo… acquired dominion and sovereignty. Napakaliwanag po nito.
Noong 1982, nagkaroon ng UNCLOS. Mas maipapaliwanag ng ating kasama si SFNT. Ano ang ibig sabihin ng UNCLOS? Na-approve yan 1982. Noong 1986 pagkatapos ng rebolusyon nagkaroon ng 1987 Constitution. Sa 1987 Constitution di natin maintindihan bakit yung historical, nawala sa Constitution natin. Napalitan yan, nanahimik ang patungkol sa historical right. At nagkaroon ng … na nawala ang royalty sa PH. Wala na tayong sultan, nawala ang PH, wala ang Espanyol sa atin, meron na tayong sultan. Nawala yan noong 1987, pati historical rights na pag-aari.
Ngayon noong 2008, dumating ang RA 9522. dito sa RA 9522 napatahimik nito sa usapin ng Sabah. Pero hindi ibig sabihin na tinatalikuran ito dahil sabi ng SC naninindigan ang SC na meron tayong claim diyan sa Sabah.
Ngayon ang aking hinihingi, bakit po kaya ito ay sa usapin ito ng, itong ginagawa nating ito, baseline na ito, itong pag-aamyenda natin, itong panukalang ito, hinihingi po namin na huwag tumahimik itong panukalang ito patungkol dito sa Sabah. Sapagka’t mahirap tanggapin, ako personal ko ito at alam kong yan din naramdaman ng ating kapatid na stateless ngayon, dahil sa dami ng refugee daw, kababayan natin yan, na magmula diyan sa Sabah ay pwersahang inilikas at binalik sa Sulu. Ang hindi natin maintindihan, bakit hindi natin makuha ang mismong suporta ng govt kung paano bigay ng suporta ng govt sa WPS, parehas tayong may claim at itong kaibahan, historical ito. Meron itong patotoo, may papeles, dokumento galing sa Espanyol, Amerikano. 1982 lang ang UNCLOS. Di ko sinasabi wag kilalanin ang UNCLOS pero wag kalimutan ang ibang treaty na nagpapalakas sa ating claims. Hindi po natin maintindihan, di ko sinasabi ddahil kung may isang tao rito na nagmamalasakit sa claim ng Muslim sa Sabah, yan si SFNT.
Ang hinihingi natin, magkaroon ng pantay na atensyon. Sapagka’t sovereignty itong claim natin sa Sabah, sovereignty. Di ko sinasabi awayin natin ang Malaysia. Ang sinasabi ko lang dapat sa ating local laws, sa ating pansariling batas, dapat matibay ang ating panindigan na sa atin ang Sabah. Kung paano natin pinaglalaban na atin ang 200 NM na sovereignty rights natin, ganon din natin ipaglaban ang sovereignty.
Problema natin inclusive property natin ito pagaari ng Muslim di nila inagaw kanila ito pagaari nila ito. Yan lang alam kong maintindihan ng aking kaibigan ang amendment. Di ito maging kalabisan dahil tayo ay rasonable na tao rin naintindihan natin ano ang diplomacy naintindihan natin relasyon ng 2 bansa. Pero di yan dapat maging hadlang para magkaroon ng pansariling batas sa ating bayan.
Kung nanaisin maaari ba akong magbigay ng amendment?
SFNT: Tayo ay pumapayag sa pagbigay ng amendment… hindi ganoon kabigkas ang mga katagang batas patungkol dito dahil nabanggit na rin ng mahal na kapatid sa NE sa Bicol, na ang punto ngayon, kumikilala sa diplomatikong paguusap kung saan kabahagi ng isang malaking rehiyon, tayo ay may lengwaheng ginagamit na di magdudulot ng masakit na damdamin o magdudulot ng di kanais-nais na kabanatang diplomatiko.
Tama may batas na nakalagay ng ating kapatid sa Sabah, RA 5446… Ang Art 1 ng Constitution idadagdag natin Sec 2 ng RA 5446 na hanggang ngayon umiiral, nagpapatunay na wala tayong iniiwanan at di na sinusulong na pag-aari patungkol sa nabanggit ng ating mahal na kapatid. At napakaraming kataga buhat sa SC… Ang batas natin ay buhay. At gusto kong kumuha sa talata kasi doon noong nilagdaan ito at lumagda si Sen Arturo Tolentino, sa UNCLOS bawal magkaroon ng reservation. Ginawa ni Sen Tolentino gumawa siya ng declaration for understanding. At nakalagay sa declaration, 4th paragraph, “such signing (of the accession to UNCLOS) shall not in any manner impair the sovereignty of the RP over any territory over which it exercises sovereign authority.”
Even when we signed UNCLOS, we never gave up or abandoned our claims. So tama po si SRP sa ginagawa niyang pagbibigkas ng kanyang saloobin pero gusto kong idagdag at bigyang diin na walang pagbabago. It has been there, it will remain there… it is part of our culture, the international agreement we entered into called UNCLOS…. Wala tayong inaabandona.
SRP: Maraming salamat po. Napakaganda ng kanyang masasabi kong another lecture from the teacher SFT. Napakaganda po. Ito ay tatanawing utang na loob sa inyo ng marami nating kapatid. Matagal na naming inaantay magkaroon uli ng batas na magbibigay ng lakas ng loob sa ating kapatid na nandiyan pa rin ang govt ng PH at kakampi nila. Ito ang aking amendment:
Page 6, Line 23-25, Sec 19: Amend the last paragraph to read as follows: All other law, presidential decree, executive order, rules and regulations, proclamations, and other issuances, inconsistent with or contrary to provisions of this act are deemed amended or repealed; provided that nothing in this Act shall be construed as repealing Section 2 of RA 5446, as amended by RA 9522, or an Act to Define the Baselines of the Territorial Sea of the PH.
*****
SRP: .. Sa RA 5446… is without prejudice to the delineation of baselines … around Sabah situated in North Borneo which PH acquired dominion and sovereignty. Yan ang nasa RA 5446.)
SFNT: Since mention was made by SRP of RA 9522, this representation would probably be amenable to a modified version of his proposed amendment. I am particularly highlighting Sec 2 of RA 9522… the baselines of the ff areas over which PH exercises sovereignty and jurisdiction shall be determined as regime of islands and under RP, consistent with Art 121 of the UNCLOS: a) KIG as constituted under PD 1596 and Bajo de Masinloc or Scarborough Shoal.
Counterproposal ko kung aking ilalagay Sec 2 RA 5446, ilagay natin ang KIG at BDM or Scarborough Shoal na nakasaad sa Sec 2 RA 9552. Para sa ganoon mas maliwanag dito sa repealing clause.
As proposed by SRP, this representation is amenable to the amendment, subject to a modification: instead of colon from repealing clause, add semicolon: Provided that nothing in this act … repealing Sec 2 of RA 5446 and Sec 2 of RA 9522, subject to style. If proponent amenable, that would be acceptable, it would be expansive to include our interests as contained in the arbitral ruling.
SRP: Ahhh, Mahal na Pangulo, 9522, ang baseline ng sumusunod na lugar na ginagamit ng PH ang soberenya at hurisdiksyon… sa ilalim ng RP sangayon sa Art 121 ng UNCLOS at ang KIG na binuo sa ilalim ng PD 1596 at BDM na kilala bilang SS. Mahal na pangulo isang kaligayahan para sa akin para isama ito sa aking amyenda dahil ito tunay na ang ating mahal na kaibigan at teacher si SFT pinoproteksyunan ang teritoryo ng PH, na nakasama ito sa aking amyenda. Napakagandang balita ito, tinatanggap ko ito.
SFT: Let me rephrase the new last sentence… All other laws, presidential decree, executive order, rules and regulations, proclamations, and other issuances, inconsistent with or contrary to provisions of this act are deemed amended or repealed accordingly; provided that nothing in this Act shall be construed as repealing Section 2 of RA 5446 as amended, and Sec 2 of RA 9522.
SRP: Opo ito ay malugod at masaya kong tinatanggap. I accept.
SFT: … as reworded we move for the amendment.
JVE: … The amendment is approved.
*****
Video: