Ukol sa Pagpanaw ni Rene Saguisag

Ipinaabot ko ang aking lubos na pakikidalamhati sa pamilya at mahal sa buhay ni Ka Rene Saguisag.

Lingid sa kaalaman ng lahat, si Ka Rene po ay aking naging malapit na kaibigan, at itinuturing kong guro o mentor nang siya ay maging abogado ko noong araw – hindi lang sa usapin tungkol sa batas kundi sa mga bagay sa ating buhay.

Hindi lamang po matalino, napakatalino po ni Ka Rene. Pag siya ang nagsulat ng isang opinyon, kailangan mong basahin nang mabuti at ulit-ulitin upang masigurong tama ang iyong pagkaunawa sa kanyang akda.

Maraming salamat, Ka Rene, sa karunungang iyong ibinahagi sa ating sambayanan.

Hindi ka namin malilimutan.

*****